Roger Moore na gumanap bilang James Bond, pumanaw na

 

Sumakabilang-buhay na ang isa sa mga pinakasikat na artistang gumanap bilang James Bond na si Roger Moore sa edad na 89.

Ayon sa opisyal na Twitter account ng British actor, pumanaw si Moore sa Switzerland dahil sa sakit na cancer.

Gayunman, hindi na tinukoy ng pamilya ng aktor kung anong uri ng cancer ang ikinamatay nito.

Taong 1973 nang unang gumanap bilang James Bond Agent 007 si Moore sa Pelikulang ‘Live and Let Die’.

Sa kabuuan, pitong pelikula ang pinagbidahan ni Moore kung saan gumanap ito bilang Agent 007.

Ngunit bago pa ito sumikat bilang James Bond, bumida rin si Moore sa 1960 TV series na ‘The Saint’.

Read more...