Nagpahatid ng kanyang pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga biktima ng pambobomba sa Manchester sa England na nagresulta sa kamatayan ng 22 katao.
Sa kanyang pahayag mula sa Moscow sa Russia, sinabi ng pangulo na kaisa niya ng sambayanan sa pagkondena sa nasabing terror act.
“We are in solidarity with the United Kingdom in addressing and combating violent extremism”, ayon pa sa pangulo.
Umabot na sa 22 ang patay samantalang mahigit naman sa 50 ang mag sugatan makaraan ang naganap na pagsabog ilang minute matapos ang concert ng international artist na si Ariana Grande sa Manchester Arena.
Sinabi ni Prime Minister Theresa May na karamihan sa mga namatay at sugatan ay pawang mga kabataan.
Sa kanyang Twitter account ay nagpahatid rin ng pakikiramay sa mga biktima ng pagsabog si Grande, “broken. from the bottom of my heart, i am so so sorry. i don’t have words.”