Sa kanyang pahayag, sinabi ni PNP Spokesman CSupt. Dionardo Carlos na sanay na ang kanilang pwersa sa pagbibigay ng VIP security at sa mga international events tulad ng mga concerts.
Ang importante ayon sa opisyal ay makipag-ugnayan sa kanila ang mag organizers ng concert para sa security measures na kanilang gagawin.
May kaugnayan pa rin ito sa naganap na pambobomba kanina sa Manchester Arena sa England habang nagdaraos ng kanyang concert tourt si Grande.
Umabot na sa 22 ang kumpirmadong patay sa nasabing terror act samantalang mahigit naman sa 50 ang mga sugatan.
Sa kasalukuyan, sinabi ng tagapagsalita ng PNP na wala silang namomonitor nab anta kaugnay sa August concert ni Grande dito sa Pilipinas.