6 na preso, tumakas sa isang kulungan sa Laguna

SAN PEDRO LAGUNATumakas ang anim na preso sa isang kulungan sa San Pedro, Laguna, umaga ng Martes.

Ayon kay Supt. Harold Depositar, hepe ng San Pedro Police Station, bandang alas tres ng madaling araw isinagawa ng naturang mga preso ang pagtakas.

Hindi naman pinangalanan ni Depositar ang mga tumakas na inmates na nahaharap sa kasong may kinalaman sa droga.

Nagawa aniyang makatakas ng mga preso sa pamamagitan ng pagputol sa iron grills ng kanilang kulungan gamit ang isang lagare.

Sinabi ni Depositar na papatawan ng parusa ang mga pulis na nakaduty nang maganap ang pagtakas.

Ngayon ay ikinasa na ang manhunt operations laban sa anim na bilanggong tumakas.

Read more...