Kakulangan ng suplay ng bigas sa bansa, pinaiimbestigahan sa Kamara

bigasHiniling ni Camarines Sur Representative Gabriel Bordado sa Kamara na imbestigahan ang kakulangan ng suplay ng bigas sa bansa.

Sa kanyang privilege speech sa Kamara, sinabi ni Bordado na nakakaalarma ang datos na inilabas ng National Food Authority kaugnay sa stock na bigas sa mga warehouse nito.

Kailangan aniyang alamin ng House Committee on Agriculture and Food ang lagay ng buffer stock ng bigas gayundin kung sapat ang support system mula sa mga magsasaka.

Inihalimbawa nito ang kanilang lalawigan sa Camarines Sur na kamakailan, ang bigas sa NFA warehouse ay nasa pang tatlong araw na lamang at tiyak aniya na kapareho din ang sitwasyon sa ibang lugar ng bansa.

Base aniya sa datos, nasa 10.3 metriko tonelda ang produksyon ng palay sa bansa subalit umaabot naman sa 11.6 million metric tons ang kunsumo.

Read more...