Natagpuan na ang bangkay ng isa sa kanila na si Ravi Kumar, ngunit imposibleng makuha ang katawan nito matapos mapag-alaman na nahulog ito 200 metro pababa mula sa kanilang ruta.
Nagkasakit umano si Kumar habang pababa na sila mula sa summit noong Sabado, at sa kasamaang palad ay hindi na nakayanang umabot sa pinakamalapit na camp, bagaman nagawang umabot ng kaniyang guide kahit na may sakit na rin ito.
Kinumpirma din ni Tourism Department official Kamad Prasad Adhikari na una nang nasawi ang Amerikanong climber na si Roland Yearwood, 50 taong gulang mula sa Alabama, pero hindi pa malinaw kung kailan ibababa ang kaniyang bangkay.
Isa ring Slovak climber na si Vladimir Strba ang nasawi sa Everest, pero nadala na sa South Col camp ang kaniyang katawan.
Isa ring Australian climber na si Francesco Enrico Marchetti mula sa Queensland ang nasawi sa Chinese side ng Everest, pero wala nang ibang detalye ang naibahagi pa tungkol sa kaniya.
Dahil dito, umakyat na sa anim ang bilang ng mga nasawi sa kasalukuyang spring climbing season na nagsimula noong Marso, at magtatapos ngayong buwan.