PInakahuling missile test launch na isinagawa ng North Korea ay naganap noong nakaraang araw ng Linggo lamang kung saan umabot ng 500 kilometro ang layo nito bago bumagsak sa Pacific Ocean.
Ayon sa media report mula sa North Korea, may kakayahan ang mga missile na makaabot ng Japan at ilang pang mga US military bases.
Giit ng North Korean media, sagot din ito aniya sa mga polisiya ni US President Donald Trump.
Marami pa anilang mga missile ang paliliparin sa himpapawid sa mga susunod na panahon.
Noong Linggo, personal na sinaksihan umano ni North Korean leader Kim Jong-un ang pagpapalipad ng missile at tinawag itong isang tagumpay.
Ito pa mismo umano ang nag-utos na bilisan paggawa ng mas marami pang mga missile at agad i-deploy ang naturang weapon system sa lalong madlaing panahon.