Siyam sa mga dayuhan ay pawang mga Chinese samantalang isa sa mga ito ay Indonesian.
Ayon kay NBI Deputy Director Czar Nuqui, naaktuhan ang mga dayuhan na inooperate ang isang dredger at isinasakay sa barge ang lahar at black sand sa Macolcol River sa bayan ng San Felipe.
Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang NBI na nag-ooperate ang grupo nang walang kaukulang permit mula sa Mines and Geosciences Bureau at DOLE at maging sa Maritime Industry Authority.
Dahil dito, nagkasa ng operasyon ang NBI upang ipatigil ang operasyon ng grupo.
Nang datnan ng mga operatiba, huli sa akto ang grupo na inililipat ang black sand at lahar mula sa isang barge tungo sa isang barko na may mga Chinese markings.
Hinala ng NBI, dadalhin sa ibang bansa ang black sand upang iproseso ito at makuha ang mineral na magnetite.
Nahaharap sa paglabag sa Mining Act of 1995 ang mga naarestong suspek.