Relief operations ng Karapatan, pinigil ng isang mayor sa Sultan Kudarat

 

Pinigil ng alkalde ng bayan ng Kalamansig, Sultan Kudarat ang human rights group na Karapatan na magsagawa ng relief operations sa kanyang nasasakupan.

May 13, nang pigilan ng mga sundalo at pulis ang grupo ng Karapatan bago pa man makapasok ang mga ito sa bayan ng Kalamansig.

Magbibigay sana ng ayuda ang grupo sa 163 pamilya na napilitang lumikas sa kanilang mga tinitirhan dahil sa bakbakan sa pagitanng New People’s Army at puwersa ng sundalo sa Bgy. Hinalaan, ngunit hindi ito pinayagan ni Mayor Ronan Garcia.

Paliwanag ng alkalde, hindi na kailangan ang tulong ng grupo dahil nabibigyan na ng lokal na pamahalaan ng assistance ang mga naapektuhang pamilya.

Bilang ama aniya ng taumbayan, karapatan niyang tanggapin o tanggihan ang sinumang nais na pumasok sa kanyang bayan.

Alegasyon ng grupo, pinoprotektahan lamang ng alkalde ang isang logging firm sa kanyang bayan kaya’t suportado nito ang deployment ng mga sundalo sa lugar.

Mariin namang itinatanggi ng alkalde ang akusasyon ng grupo./

Read more...