Mga oil companies may dagdag presyo bukas

A gasoline attendant works at a gasoline station in Quezon City, suburban Manila on August 2, 2011. The Philippines plans to auction off areas of the South China Sea for oil exploration, despite worsening territorial disputes with China over the area, an official said August 2. AFP PHOTO/ JAY DIRECTO
Inquirer file photo

Muling magtataas ng presyo ng mga produktong ang mga kumpanya ng langis bukas araw ng Martes, May 23.

Unang nag-abiso ang Flying V na magdadagdag ng P0.65 sentimo kada litro sa gasolina, P0.60 sentimo sa kada litro ng diesel at P0.65 para sa kerosene o gaas umpisa 12:01 ng hating gabi mamaya.

Kaparehong pagtataas din ang ipapatupad ng Phoenix Petroleum. Pilipinas Shell, Chevron, Clean Fuel, PTT at Jetti simula alas sais naman ng umaga bukas.

Inaasahang magsusunuran din ngayong araw ng pag- aanunsyo ng katulad na price adjustment ang iba pang kumpanya ng langis.

Sa loob ng buwang kasalukuyang ay dalawang beses na nagpatupad ng rollback ang mga oil companies.

Sinabi ng ilang oil industry sources na ibinase ang price hike sa galaw ng presyo ng produktong petrolyo sa world market.

Read more...