Tax reform bill sa Kamara pahirap sa sambayanan ayon kay Zarate

ZarateInatras na ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate ang kanyang pagiging co-author ng Tax Reform Bill na isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Base sa liham na ipinadala ni Zarate kina House Majority Leader Rodolfo Farinas at House and Means Committee Chairman Dakila Cua, sinabi nito na iba ang nilalaman ng consolidated version ng tax reform measure sa kanyang orihinal na inihain na House Bill 333.

Sa kanyang panukala nais ni Zarate ay bawasan ang income tax ng mga manggagawa pero sa consolidated version ay lalo lamang nitong pahihirapan ang mga karaniwang tao.

Sinabi ni Zarate na dahil sa Duterte Tax Package tataas ang bayad sa mga serbisyo gayundin ang mga bilihin.

Read more...