Biyaheng Russia na si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw para sa kanyang landmark four-day official visit.
Sa Davao City International Airport ang departure ng delegasyon ng pangulo dakong 2:30 ng hapon.
Nakatakdang talakayin sa pagbisita ni Duterte sa Moscow ang economic at trade cooperation ng dalawang bansa.
Nasa agenda rin ang military alliance ng Pilipinas at Russia.
Una nang sinabi ng pangulo na plano niyang bumili ng precision-guided missiles at ammunitions mula sa Russia para sa kampanya laban sa teroristang ISIS.
Aminado ang pangulo na hindi maaasahan ang mga bomba ng AFP at hindi ito kasing-accurate ng laser o satellite-guided missiles ng Russia.
Bahagi rin ng pagbisita ni Duterte sa Moscow ang pagsusulong ng independent foreign policy ng bansa.