Duterte impeachment complaint, pormal nang ibinasura ng Kamara

ALEJANO SUPPLEMENTAL IMPEACHMENT COMPLAINT VS DUTERTE 1Unanimous ang pag-apruba ng mga miyembro ng House Justice Committee sa kanilang report na nagbasura sa impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa pinuno ng House panel na si Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, ang pag-apruba ay formality ng labing-limang pahinang committee report.

Nasa kabuuang apatnaput-dalawang miyembro ng komite ang bumoto sa pagbasura sa impeachment complaint ni Magdalo Rep. Gary Alejano.

Naganap noong nakaraang linggo ang pagdinig sa reklamo kung kailan ibinasura ito dahil sa insufficiency in substance.

Nakatakdang dalhin ang aprubadong committee report sa plenaryo para sa approval.

Sa ilalim ng Section 11 ng Rules of Procedure, ang pagbasura ng panel sa complaint ay pwedeng mabaligtad sa botong one-third ng lahat ng miyembro ng Kamara o siyamnaput-walong kongresista ng 17th Congress.

Kung aprubahan naman ng plenaryo ang committee report, walang impeachment complaint laban kay Duterte ang pwedeng ihain sa loob ng isang taon o hanggang May 9, 2018.

Read more...