Pagdinig sa graft case nina ex-Sen. Jinggoy Estrada at Janet Napoles, sisimulan sa Setyembre

JANET-NAPOLES-AT-JINGGOYItinakda na ng Sandiganbayan ang pagdinig sa kasong graft nina dating Sen. Jinggoy Estrada at businesswoman na si Janet Lim-Napoles sa buwan ng Setyembre.

Ang pagdinig ay may kaugnayan sa multi-billion pork barrel scam.

Sa maiksing hearing ngayong Lunes, pinutol ng anti-graft court ng Fifth Division ang pre-trial para sa kasong graft nina Napoles at Estrada, at itinakda ang unang araw ng pagdinig sa September 4.

Dumalo sa naturang hearing si Napoles kung pinalibutan ito ng mga security personnel mula sa Bureau of Jail Management and Penology, habang no-show naman si Estrada.

Una nang itinakda ng korte ang pagdinig sa plunder case ng dalawa sa June 19 at sa kada Lunes matapos ang naturang petsa.

Nahaharap si Estrada sa kasong plunder at 11 counts ng graft dahil sa umano’y pagbulsa sa P183.793 milyong pisong halaga ng kickback mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel na inilaan naman sa mga fake non-government organizations (NGOs) na pag-aari umano ni Napoles.

Kasalukuyang nakadetine si Estrada sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame sa Quezon City habang si Napoles naman ay inilipat na mula sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong, sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City matapos absweltuhin ng Court of Appeals sa kanyang kasong serious illegal detention na inihain ng kanyang kamaganak na si Benhur Luy.

Read more...