Sunud-sunod na sinalubong ng aberya ang mga pasahero ng MRT 3 ngayong araw ng Lunes.
Ito’y matapos tatlong beses makaranas ng aberya ang ilang tren MRT 3 kaninang umaga.
Sa abiso ng pamunuan ng MRT 3, kaninang 8:20 ng umaga ay pinababa ang mga pasahero ang isang tren sa Cubao Station northbound dahil sa technical problem.
Makalipas ang halos apatnapung minuto o eksaktong 8:58 ng umaga, napilitan din na pababain ang mga pasahero ng isa pang tren ng MRT sa Magallanes Station southbound dahil pa rin sa technical problem.
Bandang 9:41 naman ng umaga, muling pinababa ang mga pasahero ng tren sa Magallanes Station northbound dahil pa rin sa kaparehong dahilan.
Umabot ang tatlong sunud-sunod na aberya sa category 3 na ang ibig sabihin ay nagtanggal ng tren nang walang kapalit.
Maraming pasahero ang nagpahayag ng pagkakapwersiyo sa social media dahil sa naturang mga aberya.