Maaari na muling daanan ng mga motorista ang South Luzon Expressway (SLEX) Alabang northbound exit simula ngayong Lunes, May 22.
Ito ay matapos maibalik na sa maayos na posisyon ang bumagsak na tower ng National Grid Corporation.
Matatandaang noong April 19, nasunog ang isang residential area malapit sa naturang tower.
Umabot ang apoy sa tower ng NGCP na nagresulta naman ng pagbagsak nito at pagharang sa naturang kalsada.
Nagdulot pa ito ng matinding trapiko sa lugar dahil sa pagkakahambalang ng bumagsak na tower sa kalsada.
Tumagal ng ilang linggo bago tuluyang mahila pataas ng mga trabahador ang bumagsak na tower.
MOST READ
LATEST STORIES