Reorganization sa Cabinet cluster, ipinag-utos ni Duterte; 2 bagong grupo binuo

 

Ni-reorganisa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang Cabinet Cluster system upang mas mabigyang pansin ang mga nais na isaprayoridad ng kanyang administrasyon.

Sa ilalim ng Executive Order No. 24, bumuo ng dalawang bagong grupo o ‘cluster’ ang binuo.

Una rito, ang Participatory Governance cluster na pamumunuan ng Interior and Local Government Secretary at ang Infrastructure na pamumunuan ng Kalihim ng Department of Public Works ang Highways.

Sa ilalim ng Participatory Governance cluster, isusulong ang partisipasyon ng mamamayan sa mga prosesong may kinalaman sa pagbibigay ng serbisyo ng gobyerno.

Sa ilalim naman ng Infrastructure cluster, isusulong ang maayos na pagpapatupad ng mga proyekto at koordinasyon sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno sa ilalim ng ‘Build, Build, Build’ program ng pamahalaan.

Bukod sa dalawang bagong cluster, ni-reorganisa rin sa ilalim ng EO 24 ang: Human Development and Poverty Reduction cluster na pamumunuan ng Secretary on Social Welfare and Development; Security, Justice and Peace na pamumunuan ng Kalihim ng Department of National Defense; Climate Change Adaptation and Mitigation and Disaster Risk-Reduction na pamumunuan ng DENR Secretary at Economic Development na pamumunuan ng Secretary ng Department of Finance.

Read more...