Cannes Film Fest, binulabog ng bomb scare

Cannes1Kinailangang pansamantalang lumikas ng mga tao sa Debussy theater dahil sa isang bomb scare na bumulabog sa screening ng Cannes Film Festival.

Ito ang unang screening ng pelikulang “Redoubtable” ng direktor na si Michel Hazanavicius.

Pinalabas muna ang mga nanonood sa nasabing theater sa Riviera city sa France, matapos matagpuan umano ang isang kahina-hinalang bagay.

Gayunman, nakumpirma namang hindi delikado ang natagpuang bagay, at bumalik din sa normal ang operasyon matapos ang 30 minuto.

Matatandaang mahigpit ang seguridad sa France matapos itong isailalim sa state of emergency matapos ang terror attacks na kumitil sa buhay ng nasa 130 katao.

Read more...