Saudi Arabia, hinimok ni Trump na paigtingin ang laban kontra IS

 

Sa pagbisita ni US President Donald Trump sa Middle East, nanawagan siya sa mga Arab leaders na paigtingin ang kanilang pakikibahagi sa laban kontra Islamist extremism.

Sa talumpati ni Trump, iginiit niyang ito ay isang laban sa pagitan ng mga “barbaric criminals” na nais ubusin ang mga tao, at ng mga disenteng tao mula sa iba’t ibang relihiyon na nais protektahan ang buhay.

Nangangahulugan aniya ito ng tahasang pag-kompronta sa krisis ng Islamis extremism at mga Islamic terrorists na sumusunod dito.

Dahil dito, hinimok niya ang lahat na sama-samang lumaban sa pagpatay sa mga inosenteng Muslim, pang-aapi sa mga kababaihan, walang habas na pagpatay sa mga Kristyano at maging ang pang-aalipusta sa mga Hudyo.

Aniya pa, bagaman unti-unti nang kumakalat ang terorismo sa buong mundo, naniniwala siyang ang pagtataguyod ng kapayapaan ay magsisimula sa Saudi Arabia.

Sa Saudi Arabia unang pumunta si Trump para sa kaniyang siyam na araw na paglalakbay sa iba’t ibang bansa kabilang na ang Israel, Italy at Belgium.

Read more...