MMDA magsasama ng mga abogado sa kanilang clearing ops

 

Magsasama na rin ng mga abogado ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang mga clearing operations.

Ayon kay Bong Nebrija, MMDA Supervisor for Operations, layunin ng kanilang plano na matiyak na nabibigyan rin ng payong-legal ang mga residenteng nasisita sa kanilang mga operasyon.

Aminado si Nebrija na kalimitang nakakaengkwentro sila ng mga residenteng pumapalag o nagrereklamo sa tuwing sila ay nasisita ng mga MMDA personnel.

Kung may kasama silang mga abogado aniya, ay mas magiging madali para sa ahensya na maipaliwanag ng mabuti sa mga mamamayan ang kanilang mga naging paglabag sa batas o sa MMDA regulation.

Gayunman,sa kasalukuyan ay may pitong abogado lamang ang ahensya.

Dahil dito, nananawagan ang ahensya ng para sa tulong ng mga volunteer lawyers upang makasama nila sa kanilang mga operasyon.

Read more...