LPA, namataan sa Batanes area

 

Isang Low Pressure Area (LPA) ang namataan ng PAGASA sa hilagang bahagi ng Pilipinas.

Sa pinakahuling update ng weather bureau, namataan ang sentro ng LPA sa layong 365 kilometro ang layo sa silangan ng Basco, Batanes.

Dahil dito, asahan ang pag-ulan sa Ilocos region, Cagayan Valley, Cordillera at Central Luzon ngayong araw ng Lunes.

Makakaranas naman ng isolated rainshowers o thunderstorms ang ilang bahagi ng bansa sa hapon o gabi.

Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog lalo na sa dakong hapon o gabi ang iiral rin sa Kamaynilaan.

Read more...