Sa abiso ng PAL, isinasaad na ipapatupad ang temporary suspension ng byahe sa naturang lugar dahil magsasagawa ito ng route assessment initiatives.
Dahil sa suspensyon, inaabisuhan ng PAL ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan upang mai-refund ang kanilang mga nabiling tiket.
Bukod sa refund, isa rin sa opsyon ng mga maapektuhang pasahero na magpa-rebook sa byahe tungong Dubai at mula doon ay ibibiyahe sila ng PAL sa Abu Dhabi.
Ang PAL ay may byahe patungong Abu Dhabi tuwing Martes, Huwebes at Sabado.
MOST READ
LATEST STORIES