Base sa Reuters/LPSOS poll na ginawa mula May 14-18, nakakuha si Trump ng 38% lamang na approval at 56 % disapproval ratings.
Ang nalalabing 6% naman ay hindi umano makapagpasya o may “mixed feelings.”
Nakaapekto ng malaki ang nangyayari ngayon sa administrasyon ni Trump partikular ang alegasyon ng “mishandling of classified information” at ang pakikialam diumano nito sa “FBI investigation.”
Nakasaad din sa survey na ilang miyembro ng Republicans ang kumalas na at inalis ang suporta kay Trump.
Sa mga miyembro ng Republican party, 23 percent ang nagbigay ng “disapproval” na tumaas pa ng 16 percent mula noong isang linggo.
Ang Reuters/LPSOS poll ay isang online survey sa buong Estados Unidos.
Iniipon nito ang resulta mula sa 1,971 adultas kabilang ang nasa 721 na Republicans at 795 na Democrats.