Bohol niyanig ng lindol

Tagbilaran-quakeIsang magnitude 5.6 na lindols ang yumanig sa malaking bahagi ng lalawigan ng Bohol kanilang umaga ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS).

Naganap ang tectonic quake kaninang 9:06 a.m at naitala ang epicenter nito sa layong 28 kilometers Southwest sa bayan ng Lila, Bohol at may lalim itong 551 kilometers.

Naramdaman rin ang nasabing lindol sa lakas na intensity 1 sa Catbalogan, Samar at sa Borongan City.

Sinabi ng Philvocs na wala pa silang natatanggap na mga ulat kaugnay sa pinsala ng pagyanig pero kanilang binalaan ang publiko na asahan na ang mga aftershocks pagkatapos ng lindol.

Read more...