Inatasan na ni US President Donald Trump ang Pentagon para tuluyang durugin ang Islamic State group sa Syria.
Kinumpirma ni Defense Secretary Jim Mattis ang direktiba ni Trump na paligiran ang pinaniniwalaang balwarte ng grupo para hindi makatakas ang mga ito at makapuslit sa ibang lugar.
Ang nasabing kautusan ay bahagi umano ng “annihilation campaign” na isinumite ng kanyang mga military officials noong magsimulang manungkulan sa pwesto si President Trump.
Alinsunod din ito sa kanyang executive order kung saan binibigyan nito ng 30 araw ang mga opiysal para magsumite ng plano kung paano lalabanan at susugpuin ang ISIS.
Naniniwala si Mattis na malaking panganib ang dulot ng mga miyembro ng ISIS lalo kung makakatakas ang mga ito at maghahasik ng lagim sa ibang mga lugar.
Mula 2014 ay nangunguna ang US Forces sa pakikipag-laban sa nasabing grupo.
Nitong nakaraang buwan ay binigyan din ni Trump ng awtorisasyon ang Kurdish faction para labanan ang ISIS. Sa pagtaya, nasa 55% ng mga lugar sa Iraq at Syria na kinubkob ng teroristang grupo ang nabawi na US led coalition.
Gayunman, hawak pa rin nito ang Raga sa Syria at ilang bahagi ng Mosul sa Iraq.