Ilang Pinoy na nakulong sa Russia kasamang uuwi sa bansa ni Duterte

OFWs-Libya
Inquirer file photo

Aabot sa 14 na mga Pinoy na nakulong sa Russia ang inaasahang makakasabay ni Pangulong Rodrigo Duterte na uuwi sa Pilipinas.

Ang nasabing mga Pinoy ay kabilang sa 17 pitong mga biktima ng illegal recruitment at inaresto sa Russia noong May 16.

Ipinaliwanag ni Foreign Affairs Asec. Maria Cleofe Natividad na kaagad ring pinawalan ang nasabing mag Pinoy makaraang mapatunayan na biktima sila ng illegal recruitment.

Nananatili namang iniimbestigahan pa ang tatlo sa kanilang mga kasamahan na ngayon ay nakakulong sa isang immigration facility sa Moscow.

Si Pangulong Duterte ay nakatakdang pumunta sa Russia sa susunod na linggo para sa isang official visit kung saan ay makikipagpulong rin siya kay Russian President Vladimir Putin. S

Sinabi ni Cleofe na ngayon pa lamang ay excited na ang mga Pinoy sa Russia na makaharap ang pangulo sa kanyang pagdalawa sa Filipino community doon.

Read more...