Ipinaliwanag ni Año na gusto niyang itaas ang morale ng mga pulis na umani ng mga batikos dahil sa isyu ng extra judicial killings na pilit na idinidikit sa war on drugs ng kasalukuyang administrasyon.
Sa kanyang pag-upo bilang DILG secretary makalipas ang pagbaba niya sa pwesto bilang AFP Chief of Staff sa June 2 ay sinabi ng opisyal na mananatiling ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang lead agency ng gobyerno laban sa iligal na droga.
Aminado rin si Año na pawang mga maliliit lamang na pangalan ng mga sangkot sa illegal drugs ang siyang natutumbok ng PNP at dapat rin umanong targetin ang mga big fish sa illegal drug trade.
Nakatakda rin siyang makipagpulong sa ilang local officials para kunin ang kanilang mga inputs sa iba’t ibang mga isyu na nakapaloob sa local governance.