Umakyat na sa labimpito katao ang kumpirmadong nasawi dahil sa bagyong Ineng.
Ito ay batay sa updated report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC.
Nagmula ang mga casualty sa lalawigan ng Mountain Province, Abra,Benguet, La Union,at Ilocos Norte.
Samantala, labing-apat katao naman ang nawawala mula sa lalawigan ng Ilocos Norte, Cagayan at Benguet.
Habang labimpito katao naman ang nasugatan sa Mountain Province, Benguet,Ilocos Norte at Ilocos Sur, Batanes at Cagayan.
Batay sa ulat ni NDRRMC executive Director Alexander Pama, kabuuang 16,499 families o mahigit sa 72, 300 indibwal ang inilikas sa regions 1, 2, 3, 4A, 4B, at Cordillera Administrative Region o CAR.
Umabot naman sa kabuuang 1,028 na mga bahay ang sinira ng kalamidad sa ibat-ibang mga rehiyon.
Tinatayang nasa halos 166 million pesos ang pinsala na iniwan ng bagyo sa imprastraktura at agrikultura sa Regions 1, 2 at CAR./ Ricky Brozas