Nadine Lustre, nangunguna ulit sa “100 Sexiest Women” ng men’s magazine

nadine-lustreMuli na namang nagnuna sa listahan ng “100 Sexiest Women” ng FHM Philippines ang aktres na si Nadine Lustre.

Naungusan niya ang dalawang beses nang nanguna sa listahan noon na si Angel Locsin na nasa ikalawang pwesto, at si Rhian Ramos na nasa ikatlong pwesto.

Si Jennylyn Mercado naman na nanalo noong 2015 ay nasa ika-apat na pwesto habang pang-lima naman ang dati na ring nagwagi na si Marian Rivera.

Sumunod naman sa kanila sina Anne Curtis, Angelica Panganiban, Toni Gonzaga, Bea Alonzo at Arci Muñoz.

Samantala, ang nanalo noong nakaraang taon na si Jessy Mendiola ay hindi naman nakapasok sa inisyal na top 10 list.

Matatapos ang botohan para sa nasabing listahan ng FHM sa June 1.

Read more...