Ibinida ni pangulong Rodrigo Duterte ang mga ipatatayong pabahay para sa mga dating miyembro ng New People’s Army sa Davao City.
Sa pagdalo ng pangulo sa groundbreaking ceremony ng Biyaya ng Pagbabago Housing Project ng Pamahalaan sa Bgy. Los Amigos, Tugbok District, Davao nakiusap ang pangulo sa mga dating rebelde na huwag ibenta ang mga bahay na ibibigay sa kanilang ng pamahalaan.
Bukod sa mga rebel returnees, nakalaan din ang housing project sa mga pamilyang nabiktima ng sunog.
Tiniyak ng pangulo sa mga nabiyayaan ng pabahay na may kuryente at tubig na ang mga units sa sandaling lumipat na ang mga ito.
Kada unit ay mayroong 42-square meters floor area na inaasahang matatapos sa loob ng 18-buwan o isa at kalahating taon.
Sinabi ng pangulo na maaring mai-turn over ang pabahay sa Marso, kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Davao.
Kasabay nito, nanawagan ang pangulo sa NPA na itigil na ang ginagawa nitong pananambang.