ABS-CBN kakasuhan na ni Pangulong Duterte

Duterte fistSasampahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ng multiple syndicated estafa ang may-ari ng broadcast giant na ABS-CBN.

Ito ay dahil sa panloloko umano ng ABS-CBN sa kaniya noong panahon ng eleksyon.

Paliwanag ng pangulo, nagbayad siya ng P2.8 milyon sa ABS-CBN para sa kaniyang campaign materials noong panahon ng eleksyon subalit hindi naman ito ipinalabas.

Ayon sa pangulo, hindi lang siya ang nabiktima ng pang-eestafa ng ABS-CBN kundi maging ang iba pang mga pulitiko gaya nina Senador Chiz Escudero, Alan Peter Cayetano at talunang senatorial candidate na si Roman Romulo at iba pa.

Sinabi pa ng pangulo, ka-walanghiyaan ang ginawa ng ABS-CBN sa kaniya.

Nanggagailiting sinabi ng pangulo na ang mga mahihirap na pulitiko ang karaniwang binibiktima ng ABS-CBN ng estafa.

Dismayado ang pangulo dahil kung magtaguyod umano ang ABS-CBN ng press freedom ay mistulang napakalinis gayung sila naman ang numero unong magnanakaw.

Bukod sa ABS-CBN, muling binanatan ng pangulo ang may-ari ng Inquirer.

Read more...