Matatandaang noong nakaraang buwan, binatikos ang DPWH dahil sa malagim na aksidenteng ikinasawi ng 33 pasahero ng Leomarick bus, na ikinasugat ng 36 iba pa, nang mahulog sa bangin ang sinasakyan nila.
Inayos ng DPWH ang disenyo ng magiging barrier at ginawa na nila itong isang tuluy-tuloy na pader na naghahakalaga ng P2.5 milyon at may habang `180-metro.
Napansin kasi ng mga safety engineers na sakaling may road barrier na naroon sa bahaging iyon ng kalsada, maaring napigilan nito ang pagkahulog ng bus sa bangin.
Ayon pa kay DPWH director for Central Luzon, kakalangan nila ito ng slope protection wall para matiyak na magiging matibay ang nasabing barrier.