Ito ay magbibigay daan sa kauna-unahang abdication o pagbaba sa pwesto ng isang emperor ng Japan sa loob ng halos dalawang siglo.
Sumailalim na sa operasyon sa puso ang 83-taong gulang na emperor at pati na rin sa gamutan para sa prostate cancer.
Inanunsyo ito sa isang pambihirang pagkakataon, para ipaalam sa publiko na baka hindi na makayanan ng emperor na gampanan ang kaniyang mga tungkulin sa kaniyang edad.
Sakali mang bumaba na sa pwesto si Emperor Akihito, ang susunod sa kaniyang yapak ay si Crown Prince Naruhito, 57 taong gulang.
Sa ngayon ay dadalhin na sa parliament ang nasabing panukala kung saan pagde-desisyunan ng mga mambabatas kung ipapasa ito bago matapos ang sesyon sa susunod na buwan.
Umaasa naman si Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga na maging maayos ang pag-pasa sa panukalang ito.
Bagaman wala pang sinasabing petsa kung kailan balak bumaba sa pwesto ng emperor, ayon sa Japanese media, posible itong mangyari pagdating ng 2018.
Sa kasalukuyang batas ng Japan, hindi ito maaring gawin ng emperor at ang huli itong ginawa ng isang emperor noon pang 1817.