Ayon sa grupong PISTON, hindi sila sigurado na hindi ipatutupad ng DOTr at LTFRB ang pag-phaseout sa mga lumang jeepney.
Nabatid na aabot sa isanlibong miyembro ng PISTON ang lalahok sa protest caravan na posibleng isagawa sa Cubao sa Quezon City bago magtungo sa central officer ng LTFRB.
Sinabi ng grupo na walang katotohanan ang pahayag ng LTFRB dahil mayroong plano na bayaran ang mga operator para sa modernization program.
Una nang tiniyak ni LTFRB chairman Atty. Martin Delgra sa mga transport group na walang magaganap na phaseout sa mga lumang jeepney.
Pero iginiit ng PISTON na sinabi sa kanila ni Delgra na hindi maglalabas ang pondo ang gobyerno na makatutulong sana sa mga driver at operator na maaapektuhan ng phaseout program.
Sa halip, tutulungan lang anila ang mga ito na maibenta ang kanilang mga lumang jeepney.
Sa ngayon wala pang komento ang LTFRB sa naturang alegasyon ng PISTON.