Kinumpirma ni CHED chairperson Patricia Licuanan na may mga HEI na papayagang magpatupad ng dagdag na bayarin.
Binigyang diin ni Licuanan na kahit taun-taon ay nagkakaroon ng mga pagtaas sa tuition ay mahigpit na ipinatutupad ang mga guidelines kaugnay ng tuition hike at pagtaas ng iba pang mga bayarin.
Ayon kay Licuanan, ngayong taon ay gumamit ang ahensya ng isang education deflator formula kung saan kapag pasok ang panukalang tuition hike sa naturang formula ay papayagan ang pagpapatupad nito.
Habang kapag lumagpas naman dito ay kinakailangang magpaliwanag ang mga ito kung bakit dapat magtaas sila ng tuition.
Sinusukat ng “education deflator” ang average cost ng serbisyo ng pagbibigay ng edukasyon base sa regional inflation rate.