AWOL na pulis, arestado dahil sa droga at baril

 

Arestado ang isang AWOL na pulis matapos mahulihan ng hinihinalang shabu at mga baril sa Parola Compound, Tondo, Maynila.

Ayon kay Supt. Amante Daro, Station Commander ng MPD Station 11, kinilala ang suspect na si PO1 Cornelio Juanitas, Jr. alyas ‘Intoy’ na dating naka-assign sa Regional Personnel and Holding Account Unit ng PNP.

Isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng ‘tip’ ang pulisya na nag-iingat ng hindi lisensyadong baril ang suspect.

Nakuha sa suspect ang dalawang caliber .45 na baril, isang caliber .38, isang caliber .45 na improvised handgun, isang gun replica, tatlong magazine, 24 na bala, hinihinalang shabu na hindi pa malaman ang dami, at mga drug paraphernalia.

Nahaharap ang suspect sa patung-patong na kaso ng Usurpation of Authority, illegal possesion of firearms, at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...