BIR, itinangging iniimbestigahan si Duterte

 

Mariing itinanggi ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na iniimbestigahan nila ngayon ang income tax return (ITR) ni Pangulong Rodrigo Duterte

Sa inilabas na pahayag ng BIR, pinabulaanan nila ang lumabas na ulat na galing umano sa isang hindi nagpakilalang opisyal na nagsabing tulad ng isang ordinaryong nagbabayad ng buwis, hindi ligtas sa imbestigasyon ang pangulo.

Ito ay may kaugnayan sa pagtaas ng net worth o yaman ni Pangulong Duterte sa loob ng kaniyang anim na buwang panunungkulan mula noong 2016.

Ayon kay Internal Revenue Commissioner Caesar Dulay, wala siyang alam na anumang imbestigasyon o pagsisiyasat sa ITR ni Duterte.

Dagdag niya pa, wala rin naman siyang binigyan ng otorisasyon para sa nasabing imbestigasyon.

Ani pa Dulay, tanging mula lamang sa kaniyang opisina at sa tagapagsalita ng BIR maaring magmula ang mga ganitong uri ng pahayag, at hindi sa kung kani-kaninong nagpapakilalang opisyal.

Matatandaang nasa P3 milyon ang itinaas ng net worth ni Duterte, at hindi naman niya ito ipinagkaila dahil pawang mga tirang campaign funds aniya ang mga ito kaya isinama na niya sa kaniyang statement of liabilities ang net worth (SALN).

Read more...