L/Cpl Joseph Scott Pemberton itinangging siya ang pumatay kay ‘Jennifer Laude’

 

File Photo/Erwin Aguilon

Naniniwala ang kampo na depensa na malaking tulong sa kanilang kaso ang paghaharap sa witness stand kay US Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Paliwanag ni Atty. Rowena Garcia-Flores, isa sa mga abogado ni Pemberton, dalawang bagay ang dahilan kung bakit nila iniharap sa korte si Pemberton.

Una ito ay upang patunayan na ipinagtanggol lamang niya ang kanyang buhay at dangal at pangalawa ay para patunayang hindi siya ang pumatay kay Jeffrey “Jennifer” Laude.

Sa kanyang pagsalang sa witness stand sa Olongapo RTC Branch 74 inamin ni Pemberton na sinakal niya si Laude matapos siyang sampalin nito ng kanyang itulak nang madiskubreng lalake pala ang katalik.

Pinilit pang tulungan ni Pemberton si Laude sa pamamagitan ng pagdala sa CR upang buhusan nang tubig pero sira ang shower nito.

Nang makitang humihinga pa si Laude, umalis na ng Celzone Lodge si Pemberton at umuwi na sa kanyang barko.

Sinabi ng mga abogado ni Pemberton na may ibang tao na pumatay kay Jennifer Laude na tumangay pa ng P20,000 nito./Erwin Aguilon

 

 

Read more...