PNP magpapatupad muli ng gun amnesty

 

Inquirer file photo

Bago matapos ang taon, muling mag-aalok ang Philippine National Police ng ‘Gun Amnesty’ para bigyan ng pagkakataon ang mga may-ari ng mga hindi lisensiyadong baril na makakuha ng mga kinakailangan lisensiya at dokumento para sa kanilang mga armas.

Ayon kay Police Sr. Supt. Sydney Hernia, hepe ng Firearms Licensing Division ng PNP Firearms and Explosives Office, inaayos na nila ang guidelines para sa amnesty program.

Ito aniya ay kailangan din munang aprubahan ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez.

Base sa record ng PNP, mahigit 500,000 pa ang loose firearms sa bansa sa kasalukuyan.

Idinagdag pa ni Hernia na 1.7 milyon ang rehistradong baril sa bansa ngunit hindi lahat ng mga ito ay updated ang records sa kanilang opisina./Jan Escosio

 

 

Read more...