Ang naturang framework na napagkaisahan sa pagpupulong ng mga senior officials mula China at ASEAN ay magsisilbing paunang guidelines para sa mas detalyadong kasunduan na bubuuin sa hinaharap.
Sa ilalim ng draft na nakuha ng AFP, sinasabing layunin ng draft na mabuo ang mga panuntunan para sa mga bansang kasapi ng ASEAN at China at upang mapanatili ang kooperasyon sa pagitan ng mga ito.
Ngayong araw, nakatakda namang mag-usap ang mga kinatawan ng Pilipinas at China para sa unang round ng bilateral talks upang talakayin ang sitwasyon sa South China Sea.
MOST READ
LATEST STORIES