Si Robert Mueller, ang napili ni Deputy Attorney General na pangunahan ang naturang imbestigasyon.
Si Mueller na sampung taong namuno sa FBI ay nanilbihan bilang hepe nito sa matapos ang 9/11 attacks sa Amerika.
Ayon kay Deputy Attorney general Rod Rosenstein, pinili niya si Mueller dahil walang bahid ito ng anomalya at isang respetadong tao ito.
Tututukan ni Mueller ang paghahanap ng mga ebidensya kung mayroon man ng sinasabing sabwatan sa pagitan ng Russian Government at Kampo ni Trump upang maipanalo ito sa nakalipas na eleksyon.
Mariin namang itinatanggi ni Trump ang naturang alegasyon.