Anti-Distracted Driving Law, posibleng gawing raket ng mga enforcers

 

Nangangamba ang Philippine Global Road Safety na pagmulan ng money making scheme ang bagong batas na Anti Distracted Driving Law.

Sinabi ni si Alberto Suansing, secretary general ng grupo, hindi malayo na samantalahin ito ng ilang matiwaling traffic enforcers.

Maari na diskartehan ito ng mga ito tulad ng sadyang pahigpitin ang trapik sa isang lugar at may spotter na tututok lamang sa sinumang lalabag.

At kapag nabugnot na ang mga nasa loob ng sasakyan at matuksong dadamputin ang cellphone ay dito na sila bubulagain ng mga nanghuhuli.

Iginiit ni Suansing na dapat na saklawin lamang ng batas ang mga tumatakbong sasakyan.

Gayunman, pinayuhan ni Suansing ang mga motorista na sundin ang bagong batas na ito dahil sa kaligtasan ng mga motorista at pasahero.

Aniya, itinuturing nasa ikasampu sa nakamamatay na uri ng distracted driving ang paghawak ng cellphone habang nagmamaneho.

Read more...