Abella sa pag-ayaw sa EU aid: ‘Hindi naman lahat tatanggihan’

 

Kumambiyo ang Palasyo ng Malakanyang at iginiit na hindi lahat ng tatlong daang milyong euros na financial aid ng European Union ang tatanggihan ng Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi ‘blanket refusal’ ang gagawin ng Pilipinas dahil ang mga papasok pa lang na financial aid, grant o humanitarian aid ng EU na makikita ng malakanyang na magbibigay ng pagkakataong makapanghimasok sila sa internal affairs ng Pilipinas ang hindi tatanggapin.

Kabilang anya dito ang mga tulong ng EU na may kaakibat na kondisyon na mistulang mag-oobliga sa Pilipinas na gawin kapalit ng ibibigay na tulong.

Malinaw din anya na hindi pinuputol ng Pilipinas ang ugnayan nito o diplomatic ties sa EU kung saan patunay dito ang pagtatalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Senador Edgardo Angara ang bilang special envoy sa EU.

Binigyang diin din ni Abella na ang mga kasalukuyang proyekto na pinupundohan ng EU ay magpapatuloy hanggang sa matapos ito

Read more...