D
Ayon kay Sen. Kiko Pangilinan, na siya rin presidente ng Partido Liberal, ang kanilang ginagawa lang bilang senador ay magbigay ng check and balance sa administrasyong-Duterte at ito naman aniya ay bahagi ng demokrasya.
Giit ng senador wala silang kinalaman sa anuman sinasabing balak na baguhin ang liderato ng senado.
Samantala, sa sinasabing kawalan ng liderato sa kanilang partido kaya’t lumalayas ang kanilang mga miyembro, ayon kay Pangilinan, ito ay taliwas sa nangyayari dahil aniya ang kanilang ipinapakita ay matatag na liderato sa pamamagitan ng pagpuna sa ilang hakbang ng gobyerno.
Pagtitiyak pa ni Pangilinan na magpapatuloy sila sa kanilang ginagawa bagamat aniya mas magiging mahirap ang ginagawang pagbangon ng kanilang partido dahil sa mga kasinungalingan ipinapakalat patungkol sa kanila.