Seguridad sa Quiapo, Maynila posibleng mas higpitan sa nalalapit na Ramadan

Quiapo ChurchTiniyak ng Manila Police Distrct na magiging mahigpit ang seguridad sa Quiapo, Manila partikular na sa Islamic Center sa papalapit na buwan ng Ramadan.

Ayon kay MPD Director Joel Coronel, posibleng madagdagan pa ang nauna nang ipinakalat na mahigit apatnaraang pulis sa Quiapo matapos ang pambobomba sa lugar ngayong buwan.

Sinabi ng hepe na nakadepende ito sa intelligence reports na kanilang matatanggap sa napapalapit na pag-aayuno ng mga Muslim na buwan ng Ramadan.

Dagdag ni Coronel, tuloy tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lider ng mga Muslim, gaya ng kanilang ginawang consultative meeting sa Manila Cityhall sa pangunguna ni Manila Mayor Joseph Estrada, upang tiyakin ang maayos na seguridad sa Muslim community ng lungsod.

Inaasahang magsisimula ang Ramadan sa May 26.

Read more...