Ayon kay Lt. Col. Christopher Tampus, Battalion Commander ng 1st Infantry Battalion ng 202nd Brigade ng Philippine Army, dalawang sibilyan, apat na miyembro ng militar at isang CAFGU ang sugatan sa sagupaan.
Sinabi ni Tampus na nagsimula ang engkwentro bandang 3:12 ng hapon sa boundary ng Barangay San Antonio at Barangay San Jose, Luisiana.
Nakilala ang mga nasugatan na sina Sgt. Marvin Bagaboro, Sgt. Zaldy Lebantino, Sgt. Teejay Antonio at Sgt. Jeff Ray Gatlabayan ng 202nd Brigade ng Philippine Army, CAFGU na si Domingo Garcillas at dalawang sibilyan.
Mayroon din aniyang sugatan sa panig ng mga rebelde ngunit hindi pa nila matukoy ang bilang ng mga ito.
Dahil sa bakbakan, hindi muna pinadaanan ng halos tatlong oras ang national highway ng Luisiana.