Ito ang idinahilan ng Palasyo ng Malakanyang kung kaya nagdesisyon ang Pilipinas na huwag nang tumanggap ng tulong pinansyal mula sa Europen Union.
Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, kaya itinigil ng gobyerno ang pagtanggap ng tulong mula sa EU ay para hindi na manghimasok pa sa panloob na usapin ng Pilipinas.
Aabot sa humigit kumulang 250 milyong euros o katumbas na 13 billion pesos ang ibinibigay na tulong ng EU sa Pilipinas.
Ayon naman sa Ambassador ng EU sa Pilipinas na si Franz Jessen, malaking kawalan ang ayuda ng EU lalo’t nakalaan ang malaking bahagi sa Muslim community.
Inihayag naman ni Thelma Gecolea, public affairs officer ng EU delegation sa Pilipinas, makaraang matanggap ang abisong ito mula sa gobyerno ng Pilipinas ay tuluyang inihinto na ng EU ang pagkakaloob ng anumang tulong sa Pilipinas.
Matatandaang makailang beses nang minura ni Pangulong Rodrigo Duterte ang EU dahil sa pakikialam ng mga ito sa inilunsad na drug war ng gobyerno.