Ito ay sa gitna ng pagbangon ng sektor ng agrikultura, malakas na kalakalan at pag-unlad ng manufacturing industry gayundin ang malakas na domestic demand.
Pero ang figure ay mababa sa nakalipas na forecast o target na economic growth ng mga economic managers na nasa pagitan ng 6.9 at 7 percent.
Mabagal ang first quarter Gross Domestic Product growth kumpara sa 6.6 percent na paglago ng GDP sa huling kwarter ng nakaraang taon.
Mas mabagal din ito sa 6.9 percent na paglago ng ekonomiya na naitala sa unang bahagi ng 2016 kung kailan sumipa ang ekonomiya ng bansa dahil sa gastos na may kinalaman sa nakaraang eleksyon.
MOST READ
LATEST STORIES