Chinese national, arestado matapos mahulihan ng 8 milyung pisong halaga ng shabu sa Pasay City

 

Arestado ang isang Chinese national matapos mahulihan ng mahigit walong milyung pisong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Pasay City.

Sa pinagsanib na pwersa ng PDEA-NCR at Manila Police Station 9, nalambat si Nico Sy, alyas ‘Davidson’, na nagpakilalalang isang negosyante na nagbe-benta ng kahoy sa Davao.

Ayon kay PDEA-NCR Director Wilkins Villanueva, nagsimula ang kanilang operasyon sa isang mall sa Malate, pero nagduda ang suspect dahilan para dalhin sila sa isang casino sa Pasay City.

Dito na bumili ang operatiba ng isang kilong shabu mula sa suspect sa halagang isang milyon.

Nang maaresto na, nakuha rin sa kamay ng suspect ang humigit-kumulang dalawang kilo ng hinihinalang shabu na may street value na 8 million pesos.

Depensa naman ng suspect, hindi umano kanya ang nakuhang iligal na droga, at sinet-up lamang siya.

Ayon kay Villanueva, miyembro ang nahuling suspect ng kilabot na Chinese drug syndicate na nagdi-distribute ng droga sa National Capital Region.

Nahaharap ang suspect sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...