Tinatayang umaabot sa 300 million euros o 16.6 bilyong piso na halaga ng mga ‘grant’ ang inilaan ng EU para sa Pilipinas na tatagal sana hanggang 2020.
Karamihan sa mga proyektong paglalaanan sana ng naturang mga ayuda ay nakatuon sa pagtulong para sa Mindanao Peace and development projects.
Sa pagitan ng 2007 hanggang 2013, nakatanggap ng P130 milyong euros ang Pilipinas bilang development assistance mula sa 28-country regional bloc.
Matatandaang makailang ulit na binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang EU at Amerika noon dahil sa pakikialam umano sa kanyang kampanya kontra droga.
Una na ring hinamon ni Duterte ang EU na bawiin ang mga tulong na ibinibigay nito sa Pilipinas.
Matapos ang deklarasyon ng ‘independent foreign policy’ at mga banat nito sa EU at Amerika, dumulog naman si Duterte sa China.